Ang Ilog Agno, Pangasinan: Pagtalakay sa Paghubog ng Kabihasnang Caboloan
- PH PH-PAN MDCL VF-00013
- Item
Abstrak: Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kasaysayan ng Ilog Agno mula pa noong sinaunang panahon o pag-usbong ng kabihasnan hanggang sa pagputok ng kolonyalismo. Gumamit ang mananaliksik ng “periodization” upang mas lalong maunawaan ang ginampanang papel ng Ilog Agno sa partikular na panahon. Gayundin, tinatalakay sa pag-aaral ang kahalagahan ng Ilog Agno sa heograpikal, kultural at pulitikal na aspekto. Naniniwala ang mananaliksik na ang sinasabing “paghubog ng kabihasnan” ng Caboloan o Pangasinan sa baybayin ng Ilog Agno ay naganap sa dalawang panahon lamang. Ang modernong panahon ay bunga lamang ng sinasabing “paghubog”. Maaasahan din sa pag-aaral na ito ang heograpikal na kaanyuan ng Ilog Agno na siyang bumabagtas sa iba’t ibang lalawigan ng hilagang Luzon. At sa mga nasabing lalawigan, ipapakita kung anong kultural o ekonomikong pagpapahalaga ang ginawa ng mga sinasabing ‘local settlers’ sa Ilog Agno gamit ang ethno-cultural mapping ng ilang iskolar.
Tugano, Axle Christien J.